Gen. Asueta, may lapses sa missing POGO money!
BUWENAS lang ni Anti-cyber Crime Group (ACG) director? Maj. Gen. Wilson Asueta kapag hindi s’ya inabot ng indulto dahil? sa missing P100-M POGO money. Maliwanag naman sa mga CCTV footages na nangyari ang pagpuslit ng pitsa sa Custodial unit ng ACG noong hindi pa panahon ni Asueta. Kaya lang, sa tingin ng mga kosa ko may lapses s’ya. Ano ‘yon?
Sinabi ng mga kosa ko sa Camp Crame na pina-imbentaryo naman ni Asueta ang POGO money matapos maupo s’ya sa ACG. Kaya lang, hindi n’ya pinirmahan ito dahil sa sobrang laki ng kulang. Tsk tsk tsk! Tama kaya si Asueta sa desisyon n’ya? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Kung sabagay, abogado itong si Asueta at sa tingin ng mga kosa ko sisiw malulusutan n’ya ang problemang hinaharap n’ya. Get’s n’yo mga kosa? Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi ng mga kosa ko na hina-hunting na sa ngayon ang corporal, na isa sa mga custodian ng POGO money, dahil s’ya ang main suspect dito. Hindi na s’ya mahagilap sa lumang address n’ya. Kasama na si corporal sa mga hina-hunting na wanted tulad nina Atong Ang, Gerald Bantag, at Rafael Dumlao. Isama na natin si Sen. Bato dela Rosa na kalalayas lang sa Senate building. Sa tingin n’yo mga kosa nasa Pinas pa si corporal?
Ang kumakalat na balita, itong si corporal ay labas-masok sa bansa. Hindi lang pala sa mga casino sa bansa naglalaro itong si corporal dahil na-monitor din s’ya sa mga gambling centers sa abroad. Tsk tsk tsk! High-roller na pala si corporal. Kung sabagay, hindi naman perang pinaghirapan n’ya ang isinusugal n’ya kaya’t ok lang ang pangwawaldas n’ya. Hehehe! Sarap buhay talaga si corporal, no mga kosa?
Mukhang inaayos na ng ACG ang mga dokumento bago sampahan ng kaso, hindi lang si corporal, kundi maging ang ibang kasama n’ya sa unit. Tsk tsk tsk! Damay-damay na ‘to. Ang hindi lang maintindihan ng mga kosa ko ay kung bakit hindi napupuna ng mga kasamahan n’ya ang biglang yaman ni corporal. Maliban sa madalas s’yang magpamudmod ng crispy na P1,000 sa kanyang kasamahan, abayyyyy may isang beses pang sumagot ng Christmas party nila itong si corporal sa mamahaling hotel sa Macapagal Ave. sa Pasay City. May libreng amenities kasing ibinibigay ang mga hotel sa mga high-rollers’ kaya’t iyon siguro ang ginamit ng suspect. Purbidang yawaahhhhh! Hehehe. Ambot sa kanding nga may bangs!
Maliwanag naman sa sikat ng araw na “patay” na pitsa na itong POGO money. Ang problema lang, iniutos ng korte na ibalik ang pitsa sa POGO owners. Sino naman kaya ang tatanggap ng pitsa eh halos ang lahat ng opisyales nito ay nag-deny na may kinalaman sila sa POGO Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!
- Latest















