‘Bubuyog’ (Part 4)
ISANG malaki at malalim na lubluban ng kalabaw ang aking nakita at doon ako dumayb. Iyon ang tanging paraan para makaligtas sa mga bubuyog na kung tawagin ay tabuan. Kilalang matatapang ang mga tabuan na mas matapang pa kaysa pukyutan. Ang tabuan ay hindi nag-iimbak ng pulot na hindi katulad ng pukyutan.
Pagdayb ko sa lubluban ng kalabaw, hanggang leeg ang lalim nito. Pawang putik ang nasa ilalim. Halu-halo ang nasa lubluban kasama na ang tae at ihi ng kalabaw. Maraming kalabaw ang lumulublob doon.
Hindi ko na inintindi kung ano ang aking kahihinatnan sa pagdayb sa lubluban basta ang concern ko ay makaligtas sa mga tabuan.
Inilubog ko ang aking ulo sa putik na may dumi ng kalabaw para makaligtas sa mga tabuan.
Bahala na. Iyon ang tanging paraan. Kahit na lumubog ako sa dumi at putik, tanggap ko na.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakalubog sa putik at dumi.
Nang ilitaw ko ang aking ulo, wala nang tabuan sa paligid. (Itutuloy)
- Latest















