^

Punto Mo

Torre, tinusta si Calinisan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Maraming pulis ang nadidismaya rito sa “power tripping” ni NAPOLCOM VICEO Atty. Ralph Calinisan na ipapahiya ang kanilang kabaro sa harap ng media. Sa pagkaalam kasi nila, ang trabaho ng NAPOLCOM ay gabayan administratively ang PNP para hindi sila mapariwara. Kaya lang mukhang tabingi naman ang ginagawa ni Calinisan. Parang kangaroo court na s’ya dahil ang mga pulis na nagkasala ay isinasalang ora mismo sa media, na para bang guilty na kaagad sila. Araguyyyyy! Ang puna tuloy ng mga kosa ko, kung me balak si Calinisan na pumasok sa pulitika, dapat hindi n’ya kaladkarin ang PNP sa pr blitz n’ya. Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Siyempre, hindi naman maka-ek ang mga pulis vs Calinisan sa takot na tamaan sila ng kidlat ni VICEO, na mukhang hindi iginagalang ang human rights ng kapulisan. Kaya rito na pumasok si ex-PNP chief at MMDA General Manager Nicolas Torre lll, at ipinakita n’ya na ang puso’t damdamin n’ya ay sa PNP pa rin, na pinagsilbihan n’ya ng mahigit 30 taon.

“Kapag ang pulis ay mali, dapat managot. Walang argumento diyan. Pero kapag ang pulis ay ginagawang convenient sacrificial lamb para sa public applause, ibang usapan na iyon,” ayon kay Torre. Hindi pa galit si ex-PNP n’yan ha mga kosa? “Hindi puwedeng ang NAPOLCOM—na dapat tagapagtanggol ng fairness at due process—ay nagiging venue ng trial by publicity at premature judgment,” ang dagdag pa ni Torre. Mismooooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

At patuloy pa si Torre sa pagtusta kay Calinisan. “Maraming pulis ang tahimik lang, nagtatrabaho lang, sumusunod lang sa tungkulin-at marami sa kanila ang nasisira ang pangalan, karera, at pamilya dahil sa mga padalos-dalos na pronouncement na parang may desisyon na kahit hindi pa tapos ang proseso,” ani Torre. Go, go, go Gen. Torre Sir!

“Judge ka ng administrative cases, hindi prosecutor ng media circus,” ang pahaging pa ni Torre kay Calinisan. Hahaha! Sapol! “Anong klase kang adjudicator kung sa umpisa pa lang—hindi mo pa naririnig ang buong panig, hindi pa nga lubusang naihahain ang kaso, wala pang formal hearing—naka-presscon ka na at malinaw nang sinasabi mong mali ang pulis at nakakahiya ang kanilang ginawa?” ang tanong ni Torre. “Nasaan ang required impartiality doon?” ang giit pa n’ya. Hehehe! Nasa warpath na si Gen. Torre ah! Anong sey n’yo mga kosa? Ang sakit sa bangs nito!

Marami pang katanungan si Torre. “Paano kung sa actual hearing lumabas ang buong ebidensya—mga dokumento, testigo, CCTV, at iba pang facts na hindi pa hawak noong nagpa-media ka? Paano ka uurong? Paano mo mapapatunayan na wala kang preconceived judgment?” Kapag ang judge ay nauuna ang hatol kaysa proseso, hindi na due process ang tawag diyan—prejudice na. Administrative justice demands restraint, not performance. T’yak may kasagutan si Calinisan dito! Abangan!­­­

NAPOLCOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with