^

Punto Mo

Pagsa-sideline, ­pinapayagan ba ng batas?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Balak kong mag-sideline para madagdagan ang aking karampot na kinikita. Pinapayagan ba ito sa batas at kailangan ko ba itong ipaalam sa aking employer? —Alfredo

Dear Alfredo,

Wala namang batas na nagbabawal sa pagkakaroon ng higit sa isang mapagkukunan ng hanapbuhay, bukod na lang kung ikaw ay isang public official.

Ang maari lang pumigil sa iyo sa pagkuha ng sideline ay ang iyong employment contract, na maaring may probisyon na nagbabawal sa iyo na magkaroon ng ibang trabaho lalo na kung ito ay para sa isang employer na nasa kaparehong negosyo o industriya ng iyong kasalukuyang pinapasukan.

Kung wala namang ganyang pagbabawal sa iyong kontrata, wala akong nakikitang problema kung ikaw ay kukuha ng isa pang mapagkakakitaan, basta’t gagawin mo ito sa iyong sariling oras at hindi ito makaaapekto sa performance mo sa iyong kasalakuyang trabaho.

Dahil dito, hindi ko rin nakikita ang pangangailangan para magpaalam sa iyong employer dahil may karapatan ka namang gamitin ang iyong oras sa labas ng trabaho sa paraang nanaisin mo.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with