Leandro at Franco, nasapawan si Meow meow
NAGING kontrobersyal ang batuhan ng akusasyon nina Executive Sec. Ralph Recto at Cong. Leandro Leviste hinggil sa nakaraang eleksyon sa Batangas. Sinabi ni Recto na sinusuhulan siya ni Leviste ng P1-B para paurungin sa pagtakbo bilang Governor ng Batangas ang asawa nitong si Vilma Santos Recto noong nakaraang 2025 election.
Ipinagsisigawan ni Leviste na si Alberto Gardiola na isang bigtime DPWH contractor ang gumugol ng bilyones para sa kampanya ni Vilma Santos. Isinigaw rin nito nà maging ang kapwa niya kongresista ay sangkot sa vote buying sa distrito nila. Aruykupu!
Gustong paimbestigahan ni Leviste sa HOR ang mga transaksyones ni Alberto Gardiola sa DPWH dahil sa sobrang dikit nito kay Ralph Recto na isang little president. Dapat awatin ito ni Sen. Loren Legarda Leviste at baka “may-uling” din siya sa usapin ng nakalipas na mga pork barrels.
Maraming gustong rebulkahin si Leviste na maaring bumuwelta sa kanya. Puwede rin siyang masipa palabas ng kongreso kung aaminin niya na gumastos siya ng bilyones na lampas sa itinatagubilin ng COMELEC at lalo na kung ipinamili ito ng boto. Baka Atangueño na ang maging bansag mo?
Inaresto naman ng NBI si PGMN (Peanut Gallery Media Network) CEO Franco Mabanta sa reklamo ng pangingikil kay dating HOR Speaker Martin Romualdez ng halagang P350-M. Hindi malinaw kung ano ang dahilan ng pangingikil, at marami ang naniniwala na may kinalaman din ito sa kasong “de maleta” na kinakaharap ni Zaldy Co.
Kilala si Franco bilang social media vlogger na walang ginawa kundi balahurain ang mga kumakalaban kay Digong. May nagsasabi na naging drug user ito at minsan nang nagpa-rehab kaya matagal ding nawala sa sirkulasyon. Ipinagyayabang daw nito noon na malakas siya kay PNP Chief Bato dela Rosa. Kaya hindi natokhang? Aba’y malamang ma-aabsuwelto ito..may ‘yadsa rin pala!
- Latest















