^

Punto Mo

Napagnakawan na, nasunugan pa!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MATANDANG kasabihan ang ‘‘Mabuti pa ang manakawan kesa masunugan’’ ang tila sumpang pinagsabay sa loob ng bansang Pilipinas.

Marami ang nasunugan na pansamantalang namumuhay sa gilid ng mga kalsada samantalang marami sa nagnakaw sa kaban ng gobyerno ang nakatira sa palasyo at ang karamihan ay nagliliwaliw pa sa abroad. Mas masahol pa sa demonyong kasabihan, ‘di ba?

Nahuli na diumano si fugitive dating congressman Zaldy Co na umugit ng ‘‘sunugan’’ sa pera ng bayan sa HOR na tiyak namang napag-utusan din lamang. Kinakabahan na ba ang mga promotor at nakinabang? Lagot kayo!

Maraming opisyales ng DPWH ang nakapagsumite na ng affidavit at nagsauli ng nakaw na pera ang nagpatotoong may mga nakawang naganap at kung sinu-sino ang nakatanggap. Nakakulong na ang mga nagpapakabayaning magnanakaw pero ang mga kakutsaba ay nakakalaya pa.

Ligaw ang taumbayan na sumusubaybay sa isyu ng mas malawak na nakawan dahil naililihis at pinalalaki ang isyu sa impeachment proceedings ni VP Sara Duterte dahil sa diumano’y walang habas na pagwawaldas ng Intelligence at Confidential funds ng dalawang opisina nito bilang Secretary of Education at Vice President.

Lublob na sa kahirapan at pagkakautang ang gobyerno at wala namang maliwanag na alternatibong solusyon ang maluwag na mailatag ni Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) Sec. Arsenio Balisacan.

Matalino at subok ang kaalaman ni UP Economics Professor Arsenio Balisacan sa ekonomiya pero papaano nga babalansehin ang industriya at pananalaping sangkap kung nasabotahe na ito ng mismong mga hudas na mambabatas.

Wala na tayo’ng naririnig sa House of the Representatives at Senate kundi imbestigasyon ng nakawan. Hindi kaya nakokoryente ang mga pantog ng karamihan sa kanila?

EKONOMIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with