^

Punto Mo

EDITORYAL — Mga ‘berdugo’ sa PNPA

Pang-masa

May naganap na namang hazing sa Philippine National Police Academy (PNPA). Nangyari ang hazing, siyam na araw makaraang maging ­panauhing pandangal si President Ferdinand Marcos Jr. sa graduation ng 326 kadete noong Marso 27, 2026 sa Camp Castaneda, Silang, Cavite.

Sa talumpati ni Marcos hinikayat niya ang mga kadete nan magtulungan para maibalik ang tiwala ng mamamayan. Maipakikita ito sa pamamagitan ng police visibility at transparency. Linisin umano ang hanay ng pulisya para maipakita sa mamamayan na may mga pulis na nagtatrabaho nang tapat at hindi sinisira ang reputasyon. Sabi ni Marcos sa graduates na maging “tagapagbantay ng kapayapaan”. Panatilihin ang pagkakaroon ng disiplina para lubos na pagtiwalaan ng mamamayan. Ang mga natutuhan sa PNPA ay laging isabuhay habang nasa serbisyo. Sinabi pa ni Marcos na labanan ang korapsiyon at ang paglabag sa karapatang pantao.

Hanggang maganap ang hazing kung saan, 20 upperclassmen ang pinahirapan.

Ayon sa report, nagtamo ng mga paso at lapnos ang mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos pahiran ng pinaghalu-halong kemikal gaya ng muriatic acid. Pinahiran pati umano ang maseselang bahagi ng katawan ng mga kadete. Nadiskubre umano ng isang cadet guard detail ang insidente sa loob ng Barracks 2 ng PNPA. Tatlong 3rd Class cadet ang sangkot at pitong iba pa.

Naaresto na ang tatlong kadeteng sangkot sa hazing.

Ayon sa report, nagsimula umano ang hazing matapos sisihin ng mga suspek ang mga plebo kaugnay ng isang 4th Class cadet na balak nang mag-resign. Dahil dito, pinarusahan umano ang 20 kadete. Sasampahan ang mga suspek ng paglabag sa Republic Act 11053 at administratibong kaso. Kapag napatunayan, matatanggal sa akademya ang mga suspect. Sabi ng PNPA, paiigtingin pa ang kanilang mga hakbang laban sa hazing at tiniyak na mananagot ang mga sangkot.

Hindi ito ang unang hazing incident sa PNPA. Noong 2019, namatay si Cadet 3rd Class George Carl Magsayo nang suntukin sa sikmura ng isang Cadet 2nd Class.

Hindi pa nawawala ang mga berdugo sa PNPA. Patuloy sila sa pagpapahirap sa mga kapwa kadete. Kung ngayon na hindi pa pulis ang mga sangkot sa hazing ay mistulang mga berdugo na sila, paano pa kung tunay na pulis na. Baka pawang paglabag sa karapatang pantao ang gagawin nila.

Mag-isip na ngayon pa lang ang mga kabataang nagnanais magpulis kung nais pa nilang pumasok sa PNPA. Maaring mapahamak sila sa mga berdugo roon.

PNPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with