‘Middle class, naiipit sa gitna’
SA balita, maayos ang ekonomiya. May growth, may progreso. Pero sa kanto iba ang totoo.
Ang middle class ngayon, hindi mahirap pero hindi na rin panatag. Sila yung walang ayuda, pero sila rin yung unang tina?amaan sa bawat taas ng presyo.
Sabi nga, gasolina pa lang, wasak na ang budget! Kapag tumaas ang gasolina, kasunod lahat pamasahe, pagkain, delivery, pati kuryente. Taas lahat. Walang lusot.
At ang pinakaapektado? Yung may regular na gastos. Yung may pamilya. Yung may pina?aaral. Isang linggo lang na taas-presyo, ramdam mo na agad.
Suweldo, parang nakatigil. Pareho pa rin ang kita. Pero ang bilihin, parang araw-araw may bagong presyo.
Kaya ang ending yung dating sapat, ngayon kulang na. Tipid dito, bawas doon, atras ang plano. Hindi dahil tamad ka. Kundi dahil hindi na sumasabay ang sistema sa realidad.
Tahimik, pero napupuno. Hindi reklamador ang middle class. Sanay sila magtiis. Pero may hangganan din.
May galit dahil parang walang malinaw na kontrol. May takot dahil isang emergency lang, puwedeng bumagsak. At may tanong: hanggang kailan?
Hindi sapat ang diskarte kung dehado ang sistema. Kahit anong sipag mo, kung sunud-sunod ang taas ng presyo at kulang ang proteksyon mauubos ka rin.
Hindi puwedeng diskarte lang ang puhunan ng middle class. Kailangan nila ng sistemang gumagana, hindi yung puro paliwanag lang.
Ito ang realidad. Hindi ito drama. Ito ang araw-araw na laban ng pamilyang nagbibilang ng sukli, ng magulang na pinipilit pagkasyahin ang budget, ng empleyadong umaasang huwag nang tumaas ulit ang gasolina.
Hindi sila humihingi ng sobra. Gusto lang nila ng ginhawang unti-unting nawawala.
Disclaimer: Ang artikulong ito ay opinyon batay sa pangkalahatang karanasan at obser?asyon sa kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya. Layunin nitong maglahad ng saloobin at hindi manira o magbigay ng maling impormasyon.
- Latest




















