^

Punto Mo

‘Tagpi’ (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG ahas na cobra ang lumabas sa tumpok ng lupa na kinagkag ni Tagpi. Dahil nabulabog, suminga­sing ang kobra at handang mangagat. Pero hindi natinag si Tagpi at sinakmal sa leeg ang kobra.

Pero dahil malaki at ­malakas ang kobra, nakahulagpos ito sa pagkakakagat ni Tagpi at ako ang binalingan at handang tuklawin.

Pero mabilis na sumaklolo si Tagpi at mariing kinagat sa buntot ang kobra. Hindi nakakilos ang kobra sa pagkakakagat ni Tagpi. Nawalan ng lakas ang kobra. Ipinagwagwagan ito ni Tagpi nang maraming beses.

Nang tigilan ito ni Tagpi, patay na ang kobra!

Pinagpawisan ako nang malamig makaraang mapatay ni Tagpi ang kobra.

Iniligtas ako ni ­Tagpi sa kamatayan. Kung hindi ako nasaklolohan ni Tagpi, baka natuklaw na ako ng kobra at kung ano na ang nangyari.

Lalong napamahal sa amin si Tagpi dahil sa nangyari. Kahanga-hanga ang ginawang pagliligtas sa akin ni Tagpi.

Hindi lamang sa mabangis na kobra ako niligtas ni Tagpi. Marami pang pangyayari.

Itutuloy

COBRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with