^

Punto Mo

PCSO, magdo-donate ng barko sa Batanes!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MAGDO-DONATE ng barko ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Batanes para pagsilbihan ang maysakit na 18,000 residente ng probinsiya at kalapit na isla nito.

Sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles na ang pag-deploy ng landing craft vessel sa Batanes ay alinsunod sa direktiba ni President Bongbong Marcos na dalhin ang health care sa mga liblib na lugar. Sinabi ni Robles na ang LCV ay “mini RORO” kung saan puwedeng isakay ang mga ambulansiya at diretso na ito sa kung saang ospital para ang pasyente ay mabilisang malapatan ng kaukulang lunas. Eh di wow!

Ipinaliwanag ni Robles na ang LCV ay para suportahan ang patient mobility, kung saan magiging mabilis ang pagdala ng pasyente, responders, at essential medical supplies sa pagitan ng mga islang Sabtang at Basco. ‘Ika nga ay “door-to-door” ang sebisyong medical nito. Ang disenyo nito ay upang magkaroon ng direktang access sa mga isla o shorelines, upang maging maayos at efficient ang paglikas ng mga pasyente sa mga healthcare facilities, lalo na sa panahon ng emergency. “This means the patient can remain inside the ambulance from the point of transport until arrival at the hospital, without the need for repeated transfers,” ani Robles. Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang inisyatibo ng PCSO, ayon pa kay Robles, ay upang i-address ang pagsubok sa pagkilos sa mga malalayong lugar ng Pinas, kung saan ang healthcare ay karaniwang apektado ng paggalaw ng dagat o limitadong transportasyon. “The LCV is set to be deployed to provinces with island municipalities later this year, including Batanes, as part of efforts to strengthen inter-island healthcare access,” pahayag ni Robles. Ang LCV project ay layuning suportahan ang nakalatag na programa ng PCSO na siniserbisyuhan ang komunidad sa lupa subalit limitadong makarating sa mga isla.

Kaya naman naisipan ng PCSO na mag-deploy ng LCV sa Batanes matapos magsagawa ang ahensiya ng medical at dental mission sa Sabtang at Basco kung saan nagdeliber sila ng konsultasyon, libreng gamot, at diagnostic services para sa daan-daang residente.

Gumamit din ang PCSO sa naturang misyon ng modern technology, kasama na ang portable, Al-powered X-ray system, para sa on-site screening ng may sakit na TB at iba pang chest-related conditions.

Subalit kahit matagumpay ang kanilang misyon, nakita ni Robles ang kakulangan ng transportasyon para siguruhin o mabilisan ang paglipat ng mga pasyente sa tamang healthcare facilities. Siyempre, malugod na inayunan ng taga-Batanes itong inter-island na proyekto ng PCSO. Abangan!

PCSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with