‘Anting--anting’
(Part 2)
Miyerkules Santo ay inihanda ko na ang aking mga gagamitin sa pag-akyat sa Bundok ng Maragooc. Biyernes Santo ako aakyat. Kailangang maging maaga ako sa pag-akyat sa bundok. Sabi ni Lolo Ponciano, halos kalahating araw ang paglalakbay patungo sa bundok. Kailangang magbaon ng tubig at pagkain dahil gutom at uhaw ang kahaharapin sa pag-akyat. Magbaon din daw ako ng ekstrang damit.
Pagdating sa tuktok ng bundok, maghahanap pa ako ng kambal na niyog. Ayom kay Lolo Ponciano, ang kambal lamang umano ang nagbubunga ng niyog na iisa ang mata. Kailangang isa-isahin ko ang mga tuyong bunga para makita ang niyog na may iisang mata.
Hindi na ako nagsama ng ibang tao sapagkat mas mahirap kung may kasama pang iba na kailangan ko pang ipaliwanag ang mga gagawin. Kung nag-iisa, malaya kong magagawa ang lahat. Malaya rin akong makakapag-isip kung ano ang mga susunod na gagawin.
Isa pa, kaya ko namang lumakad nang nag-iisa. Minsan na akong nakasama sa paghahanap ng anting noong ako ay 14-anyos. Umakyat din kami sa bundok noon. Pero hindi matagumpay ang pag-akyat sapagkat hindi naming natagpuan ang puno na pagkukunan ng anting. Umuwi kaming bigo at luhaan.
Kaya ngayon, sinisiguro kong matatagpuan ko na ang minimithing anting—ang niyog na nag-iisa ang mata.
(Itutuloy)
- Latest















