Imago (16)
HINDI na nagawang kanselahin nina Maya ang kanilang booking sa inn na kanilang na-book. Gabi na nang makarating sila sa tila tahimik na ryokan, isang tradisyunal na hotel sa tagong distrito ng Kyoto. Ang bawat hakbang sa sahig na kahoy at ang mahinang liwanag ng mga nakasabit na parol ay hindi naghatid ng kapayapaan; sa halip, pinalalim nito ang kanilang kaba.
Habang iniabot ng receptionist ang kanilang mga susi, yumuko ito nang magalang at nagsalita sa lengguwaheng ingles: “Pasensya na po, may isang ginoo na nag-iwan ng parcel para sa inyo kanilang hapon. Inihatid na po namin ito sa inyong silid.”
Nagkatinginan sina Maya at Nelson. Nanlamig ang mga kamay ni Nelson habang mabilis silang naglakad patungo sa dulo ng pasilyo.
Nang buksan nila ang sliding door ng silid, bumadya ang amoy ng kahoy at banig na tatami. Sa gitna ng malinis na sahig, katabi ng nakalatag na futon, may nakapatong na isang maliit na kahon na nababalot ng itim na tela.
Dahan-dahang lumapit si Maya, binalewala ang pigil na pagpapakalma sa kaniya ni Nelson. Binuksan niya ang tela at ang takip ng kahon.
Walang marahas na bagay sa loob. Ang laman nito ay isang tradisyunal na Japanese folding fan. Nang buklatin ito ni Maya, bumukas ang isang telang may ipinintang mapa ng mga eskinita sa Gion, Kyoto. Sa pinakadulo ng mapa, may isang pulang tuldok na may nakatatak na pamilyar na simbolo: ang ibong may mata sa gitna.
Sa tabi ng pamaypay ay may maliit na card na may maikling mensahe sa Ingles:
“Welcome to Kyoto. Your appointment is at midnight.”
(Itutuloy)
- Latest















