^

Punto Mo

EDITORYAL - Paigtingin ang police visibility

Pang-masa

LAGANAP ang holdapan at pagnanakaw ngayon. Wala nang pinipili. Pagkatapos holdapin ang bik­tima, binabaril pa hanggang mamatay. Nangyayari ang panghoholdap at pagpatay sa karamihan ng mga tao at sa kaliwanagan ng araw. Wala nang takot ang mga kriminal.

Isang dahilan kung bakit malakas ang loob ng mga kriminal ay dahil wala namang nakikitang mga pulis na nagroronda sa kalye. Bihira rin ang mga police patrol car na nagpapatrulya sa mga mataong lugar.

Noong Marso 15, 2026, hinoldap at pinatay ang isang retiradong pulis sa Balut, Tondo, Maynila. Na­patay si Lt. George Ca­pistrano na dating miyembro ng security ni Manila Mayor Isko Moreno. Sinundan ng riding-in-tandem si Capistrano habang sakay ng motorsiklo. Nang makarating sa tapat ng kanyang bahay si Capistrano, binaril siya ng isa sa mga lalaki. Kinuha ng gunman ang mga alahas ni Capistrano. Mabilis na tumakas ang mga lalaki. Wala ni isa mang pulis sa kalye nang mangyari ang krimen.

Noong Marso 17, sumuko ang driver ng motorsiklo makaraang mag-offer ng pera si Moreno. Noong Martes­, naaresto ang gunman na si Albert Magdaraog, 27, habang nasa lodging house sa San Pedro, Laguna. Kasamang inaresto ang live-in partner ni Magdaraog. Sabi ni Moreno, nakamit na ni Capistrano ang hus­tisya dahil sa mabilis na paglutas sa kaso. Tama naman si Moreno, pero naiwasan sana ang malagim na kamatayan kung may mga pulis na nagpapatrulya sa kalye lalo na sa gabi.

Sa isang karinderya sa Antipolo City, kumakain ng hapunan ang magkasintahan nang biglang tabihan ng isang lalaki at tinutukan ng baril. Natangay ang cell phones at pera ng magkasintahan. Walang anumang tumakas ang holdaper. Naiwang nakatulala ang magkasintahan. Iglap lang, nanakawan sila.

Isang estudyante naman na naglalakad ang hinoldap ng riding-in-tandem. Sapilitang kinuha ang kanyang laptop at cell phone. Maski ang mga nakaparadang motorsiklo ay walang anumang ninanakaw. Laganap din ang basag kotse at nililimas ang laman sa loob.

Sa kabila ng mga nangyayaring krimen, walang pulis na nagpapatrulya sa kalye. Nasaan ang mga pulis? Nagpapalamig sa kuwarto? Kailangan ng ma­ma­mayan ang proteksiyon lalo ngayong panahon na naghihirap ang mamamayan dulot ng krisis sa langis­. Paigtingin ang police visibility. Kung may pulis sa kalye, magdadalawang-isip ang mga kawatan na ma­ka­pambiktima.

POLICE VISIBILITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with