‘Pitaka’ (Part 3)
PAGDATING sa Quiapo, sumakay ako ng jeepney patungong España. Lagi kong kinakapa sa bulsa ang napulot kong pitaka. Makapal ang pitaka. Naimadyin kong maraming laman na pera. Baka pawang tig-iisanlibo ang laman.
Agad akong nagbayad ng pamasahe. Nang sumapit ang jeep sa Maceda St. mabilis akong bumaba.
Mula sa España ay nilakad ko na lamang ang patungo sa inuupahan naming kuwarto.
Tamang-tama na wala pa ang kapatid ko sa inuupahan namin. Nasa school pa. Isinara ko ang pinto.
Dinukot ko sa bulsa ang pitaka. Nanginginig ang aking kamay na binuksan iyon. Hindi ako makapaniwala sa nakitang laman ng pitaka. Maraming pera. Tig-iisanlibo!
Napalunok ako.
Binilang ko ang pera.
Sampung libong piso!
Malaking halaga na ng panahong iyon.
Saglit akong natigilan. Malaking bagay na ang magagawa ng sampung libo sa aming magkapatid. Makakabayad na kami ng upa sa kuwarto. Makakabili na ng mga pangangailangan hangga’t hindi ako nakakakita ng trabaho.
Binuklat ko pa ang pitaka. May nakuha akong calling card. (Itutuloy)
- Latest
















