PCSO GM Robles, gumawa ng history!
KAHIT binabaha ang halos lahat ng parte ng Pinas, may katwiran? namang magsaya si PCSO GM Mel Robles dahil nahalal s’ya bilang vice chairman ng prestigious na Asia Pacific Lottery Association (APLA) sa ginawang general assembly nito sa South? Korea. Isang milestone ito, dahil si Robles ang kauna-unahang Pinoy na nahalal sa mataas na posisyon ng APLA. Wow na wow! History itong ginawa ni Robles, ‘di ba mga kosa? “This is not only a personal honor but, more importantly, a recognition of the Philippines and the meaningful work being undertaken by PCSO,” ani Robles.
“Through this position, we hope to contribute more actively to regional cooperation, responsible gaming, innovation, and the use of lottery revenues to uplift communities,” ang dagdag pa ni Robles. Si Robles ay magsisilbi ng dalawang taon sa kanyang posisyon sa APLA. Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Itong APLA mga kosa ay itinatag noong 2000, bilang isa sa limang regional associations ng World Lottery Association. Nirerepresenta ng APLA ang industry partners sa Asia-Pacific region kung saan nagbibigay ito ng platform sa pamamagitan ng palitan ng kaalaman ng mga miyembro, pakipagtulungan sa international best practices, at magsama-samang magtrabaho sa iba’t ibang isyu na apektao ng global lottery industry. Sa kasalukuyan, ang APLA ay may 21 full members sa 12 na bansa at 26 associate members sa 13 bansa sa Asia, Europe, at North America. Kaya’t sa paghalal kay Robles, nagmarka itong milestone para sa Pinas sa international lottery sector. Nagbigay din ito ng mas malakas na boses sa PCSO sa diskusyon sa responsible gaming, technological innovation, lottery security, industry integrity, at ang paggamit ng lottery-generated na pondo para sa benepisyo ng publiko. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Magiging daan din itong paghirang kay Robles para bigyan ang PCSO ng sapat na kaalaman mula sa international best practices at mag-share ng experience bilang government lottery institution with a distinct charitable at social mandate. Kung sabagay, sa liderato ni Robles, ang PCSO ay umangat mula sa Level 1 to Level 3 accreditation sa WLA Responsible Gaming Framework sa record na tatlong taon.
Palakpakan natin si GM Robles mga kosa! Abangan!
- Latest




















