^

Punto Mo

‘Balon’ (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

LUBOS na nagbalik ang aking malay nang nasa multicab na ako. Balak pala akong isugod sa ospital nina Tatay at baka raw mayroon akong sugat.

“Wala akong sugat, Tatay,” sabi ko.

“E ano ba talaga ang nangyari sa iyo, Camilo?” tanong ni Tatay.

“Nahulog po ako sa balon. May bunton po ng damo at mga dahon ang bunganga ng balon. Pagtapak ko, tuluy-tuloy akong nahulog.”

“May tubig ba ang balon?”

“Wala po putik lang ang nasa ilalim.”

“Matagal ka naming hinanap pero hindi ka namin makita. Ilang beses ka naming hinanap dun sa sinasabi mong balon pero wala ka roon.”

“Baka hindi pa po ako naiaahon?”

“Sino ang nag-ahon sa iyo? Paano ka nga pala nakaahon?”

“May lalaki pong nakakatangkad na bumuhat? sa akin. Halos kasing taas niya ang lalim ng balon. Ibinaba niya ako sa mismong bunganga ng balon.”

“Matangkad na lalaki ang bumuhat sa iyo?”

“Opo. Nawawalan na ako ng malay nang maramdaman kong may bumuhat sa akin. Pero hindi ko nakita ang mukha. Basta matangkad siya?bod ng tangkad!”

Nagtinginan sina Tatay at iba pang kasama sa sasakyan. Nagtataka sila at hindi makapaniwala.

(Itutuloy)

BALON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with