Japanese morning habit para maging healthy at payat
1. Uminom ng maligamgam na tubig pagkagising:
Karaniwan sa Japan ang pag-inom ng warm water agad sa umaga. Nakakatulong ito sa digestion, pinapagana ang metabolism at nakakatulong mag-flush ng toxins sa katawan.
2. Mag-stretch o mag-radio taiso :
Ang Radio Taiso ay maikling morning exercise na ginagawa sa Japan. Ginagawa lang ito sa loob ng 3–5 minuto. Pinapagalaw nito ang buong katawan na nakakatulong sa circulation at fat burning.
3. Kumain ng maliit pero balanced na almusal:
Karaniwang Japanese breakfast ay kanin, isda, miso soup at gulay. Ang Miso Soup ay mababa sa calories pero may probiotics na mabuti sa tiyan.
4. Maglakad papasok sa trabaho o paaralan:
Maraming Japanese ang naglalakad o nagbibisikleta papunta sa station o trabaho. Nakakatulong itong mag-burn ng calories.
5. Uminom ng green tea:
May antioxidants at pinapabilis ang metabolism kaya nakakasunog ng calories.
6. Kumain nang dahan-dahan:
Sa Japan, mahalaga ang mindful eating para mas mabilis mabusog nang hindi napapasobra ang kain.
7. Maagang gumising:
Maraming Japanese ang gumigising nang maaga para magkaroon ng calm at organized na umaga. Nakakatulong ito sa magandang digestion ng pagkain.
Tip: Kung tutuusin, hindi lang sa pagkain ang sikreto nila kundi sa consistency sa habits na ginagawa araw-araw.
- Latest




















