^

Punto Mo

Mga pagkaing makatutulong kapag may sakit

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

KAPAG may sakit, mahalagang kumain ng mga pagkaing madaling tunawin at may sapat na nutrisyon upang makatulong sa paggaling. Narito ang ilang pagkaing makakatulong kapag may sakit:

1. Sabaw at Sopas

Ang mainit na sabaw o sopas tulad ng tinola o chicken soup ay nakakatulong sa pagpapalakas ng katawan at pag-alis ng sipon o baradong ilong. Madali rin itong kainin kapag walang gana.

2. Lugaw o arroz caldo

Ang lugaw o arroz caldo ay magaan sa tiyan at nagbibigay ng enerhiya. Madalas itong inire­rekomenda kapag may lagnat, trangkaso, o masakit ang sikmura.

3. Prutas na may Vitamin C

Ang mga prutas tulad ng orange, calamansi, at bayabas ay mayaman sa Vitamin C na tumutulong sa pagpapalakas ng immune system.

4. Saging

Ang saging ay madaling tunawin at nagbibigay ng potassium na tumutulong sa katawan lalo na kung nanghihina o may pagtatae.

5. Yogurt

Ang yogurt ay may probiotics na tumutulong sa kalusugan ng tiyan at digestion, lalo na kung may problema sa sikmura.

6. Oatmeal

Ang oatmeal ay masustansiya at may fiber na tumutulong sa digestion. Nakakatulong din ito sa pagbibigay ng enerhiya sa katawan.

7. Maligamgam na tsaa o salabat

Ang luya tea o salabat ay nakakatulong sa sore throat, ubo, at sipon. Nakakapagpa-relax din ito sa katawan.

PAGKAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with