^

Punto Mo

Paghihiwalay ng ­mag-asawa puwede bang pagkasunduan?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede po bang pumirma kaming mag-asawa sa isang kasunduan na hindi na kami magsasama at magkakanya-kanya na lamang. Ilalagay rin po namin na hindi kami magdedemanda sakaling makipag-live in o magpakasal sa iba ang isa sa  amin. Puwede po ba sa batas ang planong ito?— Max

Dear Max,

Walang bisa ang plano ninyong kasunduan ukol sa paghihiwalay. Nakasaad sa Article 1 ng Family Code ang kahalagahan ng kasal sa lipunan kaya hindi ito basta-basta mapapawalang-bisa. Tanging ang batas lamang ang puwedeng pagbatayan ng lahat ng usapin ukol sa pag-aasawa. Ito ang dahilan kung bakit bukod sa usapin ng ari-arian, hindi maaring maging paksa ng isang kasunduan ang anumang aspeto ng isang kasal.

Nakasaad din sa Article 2035 ng Civil Code na hindi maaring pumasok sa isang kasunduan o kompromiso ang sinuman ukol sa bisa ng kasal, legal separation, o ukol sa kapangyarihan ng mga hukuman upang dinggin ang isang kaso. Sa ibinahagi mo, hindi n’yo lang plano magkasundo sa bisa ng kasal ninyong dalawa, gusto n’yo ring magkasundo tungkol sa kapangyarihan ng ating mga korte dahil ayon sa iyo, hindi ninyo sasampahan ng kaso ang isa’t isa sakaling makipagrelasyon na kayo sa iba. Hindi ‘yan pinapayagan at anumang kasunduan na patungkol diyan ay malinaw na labag sa batas.

Kailangan n’yong dumaan sa korte kung gusto n’yong mapawalang-bisa ang inyong kasal.

ANNULMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with