‘Salamin’
(Part 10)
“REGALO ni Lolo Fernan ang antique na salamin kay Lola Elisa?” tanong ko kay Cristy.
“Oo. Sabi ni Lolo Fernan, ang salamin daw na iyon ay nahukay niya sa tubuhan habang sila ay nagtatanim ng tubo. Itinago niya. Bata pa raw siya nang mahukay iyon— 16-anyos siya.
“Nilinis daw niyang mabuti at nagulat siya dahil napakaganda pala kapag nalinis. Sabi kung ibebenta ang salamin na iyon ay malaki ang halaga. Kinukolekta ng mga mahilig sa antique. Pero hindi pinagbili ni Lolo. Sa halip, niregalo kay Lola.
“Tuwang-tuwa si Lola. Mula noon, dun siya nagsasalamin. Lagi niyang inaalagaan ng punas.”
“Napakaganda nga ng salamin, Cristy. Makintab na makintab ang mga kulot na design sa gilid.”
“Gold daw ‘yun.”
“Kaya pala.”
“Nang malapit nang mamatay si Lola, yakap niya ang salamin.”
(Itutuloy)
- Latest















