^

Punto Mo

Walang trabaho, walang suweldo

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

ISA sa mahalagang labor principle na ipinatutupad ng mga establisimyento ay ang “no work, no pay policy”. Ibig sabihin, kapag hindi ka pumasok, kaltas ang araw na hindi mo ipinasok sa iyong suweldo. O kaya’y ibabawas ang hindi mo ipinasok sa iyong leave credits. Ang prinsipyo at patakarang ito’y patas at makatarungan at sisiguro na ang isang empleyado ay pumapasok at ginagawa ang kanyang tungkulin.

Napakabigat ng implikasyon ng “no work, no pay” sa isang empleyado na kumikita lamang ng minimum. 

Sa National Capital Region, ang minimum wage ay P695 kada araw o kabuuang P18,070 kada buwan. Kaya pinipilit ng isang empleyado na pumasok kahit na may mabigat na kadahilanan para hindi makaltasan ang kanyang suweldo o maubos ang kanyang leave credits. Sa isang napakaliit ang kinikita, bawat sentimo ay napakahalaga. 

Kaugnay nito, may grupo ng mga tao sa ating lipunan na lubos na pinagpala. Ang tinutukoy ko ay ang mga Senador at Kongresista na hindi sakop ng “no work, no pay policy”. Pumasok man sila o hindi, walang kinakaltas na kahit isang sentimo sa kanilang suweldo. Kahit sangkatutak ang kanilang absences, buo ang kanilang suweldo at maging ang kanilang leave credits. Hindi kakaunting halaga ang nakataya rito. Ang isang Senador o Kongresista ay sumusuweldo ng hanggang P334,059 kada buwan (hindi pa kasama rito ang mga bonus at iba pang benepisyo), na katumbas ng mahigit sa labing-walong buwang suweldo ng isang sumasahod lamang ng minimum.  

Isang Senador ng ating Republika, si Senator Bato dela Rosa, diumano, noon pang Nobyembre 2025 ay hindi na pumapasok bunga ng napabalitang paglalabas ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya dahil sa pagkakasangkot sa extra-judicial killings (EJK) sa panahon ng giyera laban sa droga na inilunsad ni dating Presidente Duterte. Dahil hindi sakop ang isang Senador ng “no work, no pay policy,” ang assumption ay tuloy ang kanyang sweldo, buong-buo, walang bawas.

Dahil dito, isang Kongresista, si Sandro Marcos, ang naghain ng panukalang-batas na ipatupad sa mga Senador at Kongresista ang “no work, no pay” policy para mahadlangan ang absenteeism, para magkaroon ng transparency at accountability, at para hindi maaksaya ang pera ng bayan. Siguradong marami ang tatamaan nito. Pero ang malaking tanong, pagtitibayin kaya nila ang isang panukalang-batas na makakaapekto sa kanilang kapakanan? Mangibabaw kaya sa kanila ang diwa ng hustisya at pagmamahal sa bansa?

Ang “no work, no pay” ay sumasang-ayon sa panuntunan ng Diyos. Matapos magkasala sina Adan at Eba, ganito ang sinabi ng Diyos kay Adan, ayon sa Genesis 3:17, “Ang lupaing ito para pag-anihan, pagpapawisan mo habang nabubuhay.” 

Samantalang sa 2 Tesalonica 3:10 ay ganito ang iniutos ni Pablo, “Huwag ninyong pakainin ang sinumang ayaw gumawa.” Ang sweldo’y kabayaran sa pagpapagod, at hindi sa pagtatago. Ang American philosopher na si Elbert Hubbard ay nagsabi, “Ang tao’y binabayaran hindi dahil meron siyang ulo’t mga kamay, kundi dahil ginamit niya ang mga ito.”

Sasaludo ako sa ating mga Senador at Kongresista kapag nakapagpasa sila ng isang batas na magpapatupad ng “no work, no pay policy” sa buong Kongreso. Sana lang, mangibabaw na sa kanila ngayon ang delikadeza at pagmamahal sa hustisya at bansa!  

SAHOD

TRABAHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with