^

Punto Mo

Kapangyarihan ng AI video

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

Sa social media, lalo na sa Facebook, kumakalat ngayon ang mga video na nagpapakita ng mga sikat na artista mula sa kanilang pagkabata hanggang pagtanda. Sa ilang eksena, makikita ang batang bersiyon at ang matandang bersiyon ng artista na magkasama, nagngingitian, nag-aakbayan, nagkakamayan, o simpleng magka­tabi sa upuan at sa pagtayo, at sa iba pang video, ang mga yumao nang artista ay may pakpak kasama ang sarili nilang anyo noong sila’y buhay pa.

Mayroon ding mga video ng kilalang Pilipino na sumusunod sa parehong tema, mula bata, matanda, hanggang kamatayan. Hindi literal na larawan ang ginamit; pinagsama-sama ang mga lumang litrato at ginamit ang 3D-generated facial features upang makabuo ng mga kawangis na imahe sa bawat yugto ng buhay. Kadalasan, ang mga ito ay pampaaliw o pang-edukasyon at walang layuning makapanira ng karangalan ng sinuman. Ngunit nakakabighani ito: sa pamamagitan ng teknolohiya, tila nabubuhay muli ang mga alaala ng isang tao.

Ang ganitong kakayahan ay bunga ng mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence. Posible na mapanood ang isang tao noong bata pa siya kasama ng kasalukuyan niyang itsura at kahit iyong mga namatay na, kumikilos, nagsasalita, at nagre-react na parang buhay pa.

Nakakalikha rin ang AI ng buong mukha, katawan at boses nang walang ginagayang totoong tao.

Gayunpaman, may kasamang kontrobersiya ang paggamit ng AI-generated videos. Halimbawa ang deepfake at iba pang AI-generated content na maaaring magdulot ng maling impormasyon, panlilinlang, o paglabag sa privacy. Nagiging mahirap para sa publiko na malaman kung alin ang totoo at alin ang peke, lalo na kung ginagamit sa balita, pulitika, o panliligalig. Kasama rin ang mga legal at ethical implications tulad ng copyright, consent, at karapatan sa imahe. Ang bawat digital na nilikha ay may kasamang responsibilidad: dapat malinaw ang layunin, edukasyonal o pampalipas-aliw, at hindi para makapanlinlang o makapanira ng reputasyon.

Ang mga video na ito ay nagpapakita ng kapangyarihan ng AI at computer science: kayang gayahin ang tao sa iba’t ibang yugto ng buhay, lumikha ng realistic na kilos at ekspresyon, at bumuo ng buong digital persona. Sa tamang paggamit, maaaring magbigay ito ng kaalaman, aliw, at bagong pananaw sa buhay, kamatayan, at pagbabago ng tao sa paglipas ng panahon. Gayunpaman, isa rin itong paalala na hindi dapat basta-basta paniwalaan ang mga nakikitang litrato o video sa internet. Maging mapanuri at mapagmatyag. Ginagamit ng ilang kriminal ang AI upang lumikha ng pekeng larawan at video, na nagiging paraan upang mang-abuso, manlinlang, at pagsamantalahan ang mga inosenteng biktima.

Kaya nga pinapayuhan ng mga kinauukulan ang sinuman na maging maingat sa pagpo-post sa internet o social media ng mga personal na litrato o video, dahil maaari itong makuha ng mga cybercriminal at magamit sa masamang gawain.

Sa bawat pixel at frame na lumalabas sa screen, nakatago ang posibilidad ng kababalaghan at panganib—at nasa atin ang pagpili kung alin ang haharapin natin.

FACEBOOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with