‘Salamin’ (Part 2)
SABADO. Nagtungo kami sa bahay nina Cristy sa Balayan, Batangas. Isang van ang sinakyan namin. Van daw nila iyon. Kaming dalawa lang ang pasahero ng van.
“Tinawagan ko na si Mama at sinabi kong may kasama ako.”
“Doon ba naglalagi ang mama mo, Cristy?”
“Oo. May negosyo kasi siya roon. Pero linggu-linggo ay nagtutungo rin siya rito sa Maynila para asikasuhin kaming magkakapatid. Tatlo kaming nag-aaral dito.”
“Ang papa mo ang kasama niya roon?”
“Hindi. Patay na si Papa. Isang taon na ang nakararaan.”
“Ah.”
“Ang pinsan ni Mama na si Tita Vilma ang kasama niya sa aming bahay.”
“Siguro kamukha mo ang mama mo?aganda rin.”
“Oo kamukha ni Hilda Koronel, ha-ha-ha!”
Mahigit dalawang oras ang biyahe namin.
Labis akong namangha sapagkat napakalaki pala ng bahay nina Cristy. Lumang bahay. Sinauna ang pagkakayari.
Pumasok ang van sa gate makaraang buksan ng isang lalaki.
“Ang bahay na ito ay pag-aari ni Lola?na ni Mama. Mayaman si Lola. Halika sa loob.”
Sinalubong kami ng mama ni Cristy. Maganda. Kamukha ni Cristy. Ipinakilala ako ni Cristy.
“Ma, si Karina.”
“Welcome sa bahay namin, Karina.”
Hinalikan ko ang mama ni Cristy.
Umakyat kami sa bahay. Napansin ko ang malaking salamin sa may hagdan.
(Itutuloy)
- Latest















