30 practical household tips (Part 3)
18. Isara ang pinto kapag naglilinis ng isang kuwarto
Para hindi agad kumalat ang alikabok sa ibang bahagi ng bahay habang naglilinis.
19. Hindi pinupuno nang todo ang refrigerator
Kailangan ng espasyo para makaikot ang malamig na hangin. Kapag sobrang siksik, maaaring hindi maging pantay ang distribution ng lamig.
20. Ilagay ang kahoy na kutsara sa ibabaw ng kumukulong kaldero.
Makakatulong itong mabawasan ang pag-apaw ng bula kapag kumukulo ang tubig o sabaw.
21. Linisin muna ang alikabok bago mag-mop
Mukhang obvious pero maraming gumagawa ng kabaligtaran. Dust/vacuum -> punas -> mop ang mas mahusay na sequence para hindi maging putik ang alikabok.
22. Gamitin ang rice water sa halaman
Ang tubig na pinagbanlawan ng bigas ay maaaring gamitin sa halaman kung plain ito at walang asin o ibang additives. Huwag sobrahan ang dami.
23. Lagyan ng tissue o paper towel ang ilalim ng vegetable drawer
Sumisipsip ito ng excess moisture at maaaring makatulong para hindi agad mabulok ang ilang gulay.
24. I-freeze ang luya bago gamitin
Mas madaling kudkurin ang frozen ginger, at puwedeng ibalik sa freezer ang natira.
25. Nilalagyan ng newspaper ang basang sapatos
Sumisipsip ng moisture ang papel at nakakatulong itong matuyo ang loob ng sapatos. Palitan lamang kapag basa na.
(Itutuloy)
- Latest




















