^

Punto Mo

Tanong sa pag-iisyu ng COE (certificate of employment)

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Dapat ko bang bigyan ng Certificate of Employment ang dati kong empleyado na bigla na lang hindi sumipot sa trabaho at hindi man lamang ipinaalam sa akin na siya ay magbibitiw na? — Dado

Dear Dado,

May obligasyon ang employer na mag-isyu ng Certificate of Employment (COE) sa dating empleyado, kahit pa ito ay biglaang tumigil sa pagpasok o hindi nag-submit ng pormal na resignation letter.

Sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) Advisory No. 06, Series of 2020, malinaw na sinasabi na “[t]he employer shall issue a Certificate of Employment within three (3) days from the time of the request of the employee.”

Mapapansin sa advisory ang paggamit ng katagang “shall” at wala ring binabanggit ang advisory kung may choice ba ang employer kung sakaling mag-request ng certificate of employment ang empleyado. Sa madaling sabi, obligado ang employer na mag-isyu nito.

Maari mo namang ilagay sa COE ang dahilan ng kanyang pag-alis o pagkakatanggal sa trabaho kaya sa sitwasyon mo ay maari mong ilagay na nag-AWOL ang empleyado at hindi siya nagpasa ng pormal na resignation.

Gayunman, tandaan na kailangang maging maingat pa rin sa mga salitang ilalagay sa COE. Mainam na umiwas sa paggamit ng mga malisyosong salita kung maglalagay ng detalye sa COE ukol sa pag-alis ng empleyado dahil baka sa huli, ang employer ang maharap sa reklamo.

CERTIFICATE OF EMPLOYMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with