^

Punto Mo

EDITORYAL - Lambatin, mga ‘wanted’ sa batas

Pang-masa
EDITORYAL - Lambatin, mga ‘wanted’ sa batas

Maraming umaasam ng katarungan. Mara­ming naghahanap ng hustisya. Patuloy silang umaasa na mahuhuli ang kriminal at “utak” sa pagpatay, subalit pawang kabiguan ang kanilang nakamtan. Hanggang kailan sila maghihintay o ipagpapasa-Diyos na lamang nila ang lahat?

Isa sa hindi mahuli-huli ng mga awtoridad ay ang puganteng si Gerald Bantag, dating Bureau of Corrections (BuCor) chief. Si Bantag ang tinuturong “utak” sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid sa Las Piñas City noong Oktubre 3, 2022. Binaril si Lapid habang patungo sa kanyang radio program dakong alas sais ng gabi. Nahuli ang gunman na si Joel Escorial at inamin na binayaran siya ng P550,00 para patayin ang mamamahayag.

Itinuro ni Escorial si Bantag at ang deputy nito na si Ricardo Zulueta. Sinampahan ng kaso sina Escorial, Bantag at Zulueta. Subalit nagtago si Bantag. Namatay naman si Zulueta nang atakehin sa puso. Hinatulan ng 16 na taong pagkabilanggo si Escorial.

Walang balita kung saan nagtatago si Bantag. Sabi ni DILG Sec. Jonvic Remulla, pinuprotektahan si Bantag ng mga ka-tribu. Wala namang masabi ang Philippine National Police (PNP) kung nasaan si Bantag na tatlong taon nang nagtatago.

Isa pang pinaghahanap ng batas at hindi rin mahuli-huli ay ang negosyanteng si Atong Ang na itinuturong “utak” sa missing sabungeros. Nagtago si Ang makaraang ipag-utos ng Laguna Regional Trial Court na arestuhin ito kasama ang 17 iba pa na karamihan ay mga pulis.

Ayon kay Secretary Remulla, nasa Cambodia si Ang. Iniimbestigahan na raw kung paano nakalabas ng bansa ang negosyante. Maaring sa back door daw ito nagdaan. Lumutang naman na tinulungan si Ang ng mga retirado at aktibong police general para makalabas ng bansa.

Isa pa sa pinaghahanap ay ang “big fish” na si dating Ako Bicol party-list representative Zaldy Co na sangkot sa multi-milyong maanomalyang flood control projects sa Naujan, Oriental Mindoro. Nasa Portugal umano si Co, ayon kay Remulla at hihilingin daw ang tulong ng Interpol para madakip ang dating kongeresista. Pero hanggang ngayon, na lumalamig na ang isyu sa flood control scandal, hindi mahagilap ang “malaking isda”.

May kakayahan pa ang mga awtoridad para malambat ang mga wanted sa batas? Ipagpapasa-Diyos na lamang ba ng mga kaanak ng biktima ang paghingi ng katarungan. Kumilos naman sana nang mabilis ang PNP para madakip ang mga “wanted” sa batas. Meron namang intelligence fund para matugaygayan ang mga wanted pero bakit walang silbi? Matagal nang uhaw sa hustisya ang mga kaanak ng biktima at nararapat nang makamtan nila ito.

WANTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with