‘Itim’ (Part 7)
Dahil marami kaming inihatid na pasahero sa bayan, inabot kami ng maghapon ni Tatay. Madilim na nang umuwi kami. Pero sulit naman dahil marami kaming kinita. Sabi ni Tatay, iyon ang unang pagkakataon na marami kaming kinita sa pangangalesa. Bago kami umuwi, bumili kami ng mga mahahalagang gamit sa bahay—asukal, asin, sabon, isda, karne at iba pa. Bumili rin kami ng tinapay at palaman.
Dalawang oras ang paglalakbay mula bayan hanggang sa aming baryo. Ang dadaanan namin sa pag-uwi ay kakahuyan at kugonan. Maganda ang kalsada—aspaltado. Kaya lamang ay napakadilim. Ang inaasahan na lamang naming liwanag ay mula sa buwan.
Pero dahil kabisado na ni Itim ang daan, balewala lang at patuloy sa mabilis na pagtakbo.
Pagsapit namin sa tulay na kahoy, dalawang lalaki ang humarang sa kalsada. Huminto kami.
“Akinang kinita n’yo!” sabi ng isa sa mga lalaki.
Kinabahan ako.
(Itutuloy)
- Latest















