^

Punto Mo

Good luck mula sa asin

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MATAGAL nang may paniniwala sa iba’t ibang kultura na ang asin ay hindi lamang pampalasa sa pagkain kundi simbolo rin ng suwerte, proteksiyon, at paglilinis ng negatibong enerhiya. Narito ang ilang paniniwala tungkol sa asin bilang pampasuwerte:

Pagbubudbod ng asin sa bahay

Sa ilang tradisyon, ang paglalagay o pagbubudbod ng asin sa mga sulok ng bahay ay pinaniniwalaang nagtataboy ng malas at masamang espiritu. Ginagawa ito lalo na kapag bagong lipat sa bahay.

Paghahagis ng asin nang patalikod mula sa kaliwang balikat

Ayon sa lumang pamahiin sa Europa, kapag natapon ang asin, kailangang maghagis ng kaunting asin sa likod ng kaliwang balikat upang maiwasan ang malas. Iniuugnay ito sa paniniwalang naroon ang masasamang espiritu.

Paglalagay ng asin sa pitaka

May naniniwala na ang paglalagay ng kaunting asin sa pitaka o tindahan ay nakakaakit ng pera at magandang daloy ng kabuhayan.

Asin bilang panlinis ng enerhiya

Sa paniniwalang feng shui, ang asin ay ginagamit sa “salt cleansing” o paglilinis ng negatibong enerhiya. Sa last part ng paliligo, ang ipanbanlaw sa katawan ay tubig na may kahalong asin. Isang dakot per timba ng tubig. Gawin ito pagkatapos makipagtalo o makipag-away.

Asin para sa kasaganaan

Lagyan o punuin muli ang iyong lalagyan ng asin tuwing Biyernes bilang simbolo ng kasaganaan at katatagan.

Bakit kaya iniuugnay ang asin sa suwerte?

Noong unang panahon, mahal at mahalaga ang asin kaya naging simbolo ito ng kasaganaan.

Nakakatulong ito sa pagpreserba ng pagkain, kaya iniuugnay sa proteksyon.

Dahil simple ngunit mahalaga sa araw-araw na buhay, nagkaroon ito ng malalim na simbolikong kahulugan.

Bagama’t walang siyentipikong ebidensiya na nagbibigay ito ng suwerte, nananatili itong bahagi ng kultura at tradisyon nang maraming tao.

 

 

SALT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with