‘Bantay’ (Last Part)
Ang lalaking tumulong sa akin ay ang “bantay” sa convenience store na malapit sa aming subdivision. Siya yung kinaiinisan ko kapag binubuksan at sinasara ang pinto ng store. Siya yung hindi ko man lang hinulugan kahit singkong duling ang lata na lalagayn niya ng barya.
Hiyang-hiya ako. Nakonsensiya ako.
“Siya ba Mam ang lalakinhg tumulong sa’yo?” tanong ng pulis.
“Opo Sir. Siya nga po. Hindi ako maaring magkamali.”
Binalingan ng pulis ang lalaking tumulong sa akin.
“Nakagawa ka ng kabayanihan, Kuya. Kung hindi mo natulungan si Mam ay baka natangay na ang mga gamit. Hanga ako sayo Kuya. Kung sa iba yan, hindi tutulungan ang tulad ni Mam dahil baka sila mapahamak. Pero ikaw, malakas ang loob. Isa kang bayani. E bakit ka naman nandiyan Kuya? Diyan ka ba nakatira?”
“Opo Sir. Palaboy po ako. Umaasa sa tulong.”
“Ah ganun ba? Wala ka bang pamilya?”
“Nasa probinsiya po. Gusto ko nga pong umuwi pero walang pamasahe.”
Biglang akong nagsalita.
“Ako na ang bahala sa pamasahe mo Kuya at iba mo pang pangangailangan.”
“Maraming salamat, Mam.”
“Sige, dadalhin na namin ang holdaper na ito sa presinto,’’ sabi ng pulis.
Nang makaalis ang pulis, inulit ko ang pasasalamat sa lalaki.
“Maraming salamat. Bukas, makakauwi ka na sa probinsiya.”
“Salamat po uli.”
INIHATID ko mismo sa probinsiya niya ang lalaki. Nag-rent ako ng van. Tuwang-tuwa ang pamilya. Marami rin akong binigay na groceries, damit at mga gamit sa school para sa mga anak niya.
Kapag dumadaan ako sa store na dating binabantayan ng lalaki, naalala ko ang hindi malilimutang karanasan. Tinuruan din akong magpahalaga sa kapwa.
- Latest




















