‘Bantay’ (Part 9)
NAGULAT ako nang dalawang lalaki ang sumabay sa akin sa paglalakad. Hindi ko makita ang mukha ng dalawang lalaki sapagkat madilim sa lugar. Sa tantiya ko, mga dalawang minuto pa bago ako makarating sa gate ng aming subdibisyon. Wala akong makitang ibang tao na naglalakad dahil alanganin na ang oras. Bihira na rin ang mga sasakyan na nagdaraan.
Hindi ako nagpahalata sa dalawang lalaki. Binilisan ko ang paghakbang. Halos patakbo na ang ginawa ko.
Pero binilisan din ng dalawa ang paglalakad. Kaya, nakumpirma ko na ako talaga ang puntirya nila. Mga holdaper!
Hanggang sa maramdaman ko ang pag-akbay ng isa sa mga lalaki.
“Huwag kang papalag!” sabi ng lalaki. Ang kasamang lalaki ay patingin-tingin sa paligid.
Dinala ako sa madilim na bahagi ng kalsada—sa ilalim ng isang puno.
“Akin nang wallet, cell phone at alahas mo!” sabi ng lalaki at tinutukan ako ng matalim sa tagiliran.
Hindi ako makakilos sa sobrang takot. (Itutuloy)
- Latest















