^

Punto Mo

Mga propesiya sa panitikan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Gulliver’s Travels  Ang fantasy novel na Gulliver’s Travels na sinulat ng Irish writer na si Jonathan Swift. Nalathala ito noong 1726. Sa isang bahagi ng nobela, may binanggit siya na dalawang moons ang umiikot sa paligid ng planetang Mars.

Noong 1877, nadiskubre ni Asaph Hall na may dalawang moons na umiikot malapit sa Mars. Ang dalawang moons ay binigyan niya ng pangalan: Phobos at Deimos. Nagkatotoo ang sinulat ni Swift sa kanyang nobela tungkol sa dalawang moons ng Mars.

Futility, or The Wreck of the Titan Ito ay nobelang sinulat ng American writer na si Morgan Robertson noong 1898. Tungkol ito sa malaking pampasaherong barko, ang S/S Titan. Ayon sa fictional tale na ito, ang Titan ay ina-advertise na matibay, malaki, at maraming lifeboats na nakahanda sa oras ng emergency. Ngunit isang araw ng April, ang barkong Titan ay bumangga sa iceberg na naging dahilan ng paglubog nito sa North Atlantic. Maraming pasahero ang namatay ayon sa nobela.

Noong April 14, 1912, isang real-life ship ang lumubog, ang RMS Titanic, sa gitna ng North Atlantic na ikinamatay ng maraming pasahero. Ang dahilan ng paglubog, bumangga ito sa iceberg na lumikha ng malaking butas sa barko.

Looking Backward Ang peculiar book na ito ay sinulat ni Edward Bellamy noong 1887. Lumikha siya rito ng modernong lipunan. Ang bawat mamamayan ay iniisyuhan ng card. Ito ang gagamitin nila sa pamimili sa halip na pera. Ang taong may mapanganib o mahirap na trabaho ang binibigyan ng malaking credit sa card.

Nakita ni Edward Bellamy ang modern-day debit card/credit card sa kanyang malikhaing imahinasyon. Nabanggit niya rin sa kanyang nobela ang pagkakaroon ng shopping mall. Sa totoong buhay, unang nagkaroon ng credit card noong 1950.

           

FANTASY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with