‘Bantay’ (Part 6)
INIS na inis ako nang paglabas namin ni Mayette ay nasa may pintuan na ang lalaking “bantay”. As usual nakasahod ang plastic cup makaraang buksan ang pinto ng store.
“Magbibigay ka naman alam ko,’’ sabi ko kay Mayette. Nasa unahan si Mayette.
“Bigyan ko ng fifty ang ‘bantay”. Parang hindi pa kumakain,’’ sabing pabulong ni Mayete.
“Bahala ka.”
Binigyan nga ni Mayette ng fity pesos ang “bantay”.
“Ikaw talaga, Girlie, ang init ng dugo mo sa mga nagbabantay sa store. Wala namang ginagawa sa iyo. Hindi ka naman pinipilit na magbigay,’’ sabi ni Girlie nang nakapasok na kami sa aming gusali.
“Basta mainit ang dugo ko sa kanila. Hindi na siguro mawawala ang inis ko.”
“Huwag kang ganyan, Girlie. Napakaliit na problema e inaalagaan mo sa puso mo. Masama yan sa kalusugan.”
“Para ka namang doktor.”
“Alisin mo ang inis, Sister.”
Inirapan ko lamang si Mayette. (Itutuloy)
- Latest




















