^

Punto Mo

EDITORYAL – Lisanin ang Kamara

Pang-masa
EDITORYAL â Lisanin ang Kamara

WALANG ibang nalugi o natalo sa mga ginawa ni Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga kundi ang kanyang constituents. Umasa sila noon na may magagawa para sa kanila si Barzaga subalit nagkamali sila. Nalinlang sila. Wala na silang aasahan pa sa iniluklok na mambabatas.

Tatlong buwan na suspendido si Barzaga na nagsimula noong Disyembre 1, 2025 at natapos noong Enero 1, 2026. “Unethical behavior” ang dahilan kaya pinatawan ng suspension si Barzaga na may kaugnayan sa sunud-sunod na atake sa gobyerno at pagpo-post sa social media ng mga malalaswang litrato ng mga babaeng naka-bikini. Matapos ilabas ang suspension, tumayo si Barzaga sa plenaryo at sinabing tinatanggap niya ang desisyon ng komite sabay batikos kay President Ferdinand Marcos Jr.

Noong Miyerkules, muling pinatawan ng panibagong 60-araw na suspension si Barzaga dahil umano sa mga paglabag sa kondisyon habang suspendido. Sinabi ng House Committee on Ethics and Privileges na pinamumuan ni 4Ps Partylist Rep. Jonathan Clement Abalos, na mula Disyembre 1, 2025 hanggang Enero 30, 2026, maraming nilabag si Barzaga na nakasira sa integridad at reputasyon ng House of Representatives.

Kabilang sa mga hindi magandang ginawa ni Barzaga habang nakasuspende ay ang pag-post niya sa social media na diumano’y sinuhulan ng negosyanteng si Enrique Razon ang ilang miyembro ng National Unity Party (NUP) upang suportahan ang speakership ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez. Sinampahan siya ng P100 milyong cyberlibel case ni Razon.

Tiyak na habang nakasuspende si Barzaga ay maglalabas na naman siya ng mga hindi kanais-nais na mga post sa social media. Kapag nangyari iyon, muli na naman siyang sususpendihin.

Pinakamabuti kung lisanin na ni Barzaga ang House of Representatives. Magbitiw na siya. Tutal din naman at walang napapakinabang sa kanya ang constituents. Hindi na siya dapat manatili sa Kamara.

FRANCISCO “KIKO” BARZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with