‘Bantay’ (Part 1)
Naaasar ako kapag nakakakita ng isa o dalawang tao sa pinto ng convenience store na nagbubukas at nagsasara nito para sa customer. Isang simpleng paraan ng pagpapalimos dahil may hawak na plastic cup ang tagabukas-tagasara para sa barya.
Maraming nagbibigay—limang piso, sampung piso, singkuwenta pesos at isandaang piso.
Ako ay hindi nagbibigay.
Pagbukas ng pinto, mabilis akong lalabas na hindi man lang tumitingin sa nagbukas. Parang wala akong nakita.
Minsan, kasama ko ang aking kaibigang at kasamahan sa trabaho na si Mayette na nagpunta sa convenence store na malapit sa aming office. Bibili kami ng pagkain para sa tanghalian.
Nang lalabas na kami, dumukot si Mayette ng twenty pesos.
“Ibibigay ko kay Manong. Kawawa naman. Ipinagbukas tayo ng pinto,” sabi ni Mayette.
“Huwag!”’ sabi ko.
“Bakit Girlie?”
“Kapag binigyan mo yan, hindi na yan aalis at habambuhay na lang na mamamalimos.”
“Pinagbubukas at pinagsasara naman tayo.”
“Kahit na!”
(Itutuloy)
- Latest















