^

Punto Mo

Loose firearms sa PRO1, winalis sa kalye!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

UMABOT sa 2,766 loose firearms ang nawalis sa kalye ng mga tauhan ni PRO1 director Brig. Gen. Dindo Reyes na ikinatuwa ng bagong promote na PNP chief na si Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. Iginiit ni Nartatez na kahit isang pirasong baril lang ang nawala sa kalye ay malaking bagay na ito sa pagligtas ng buhay. Subalit kung libu-libo na ito, abayyy ang impact nito ay hindi na puwedeng balewalain. Ano sa tingin mo PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño Sir? Simple lang p’ro rock! Dahil nawalis na nga ang maraming baril sa kalye, ang ibig sabihin nito, ayon kay Nartatez, ay malaking kabawasan din dito ang krimen na gamit ang mga baril. “Hindi lang ito tungkol sa dami ng baril na narekober,” ang pahayag ni Nartatez. “Mas mahalaga rito ang mga buhay na posibleng nailigtas at ang kapayapaan na mas lalong nararamdaman sa ating mga komunidad,” dagdag pa niya. “When people choose to surrender firearms, it shows confidence in the police and a shared commitment to peace,” ani Nartatez.

Sinabi ni Reyes na mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2025, pinaigting ng PRO1 ang kampanya laban sa loose firearms sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na police operations at sinserong koordinasyon sa mga komunidad. Ang sakop ng PRO1 ay ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pangasinan at La Union. Ayon kay Reyes, ang kanilang kampanya ay nagresulta sa pagkumpiska, rekuber, pag-surrender at pagpatago ng libu-libong baril, na mahigpit na senyales na naiiwasan ang paggamit nito sa krimen, terorismo at iba pang karahasan. Base sa datos ni Reyes, lumalabas na nagsagawa ng 386 anti-loose firearms operations ang PRO1 na nagresulta sa pagkaaresto ng 407 katao. Ang iba pang nawalis na baril ay 383 nakumpiska, 80 ang narekuber, 1,490 ang boluntaryong isinurender, at 813 ang diniposito para sa safekeeping. Tsk tsk tsk! Tiyak bababa ang crime rate ng PRO1 dahil nasa posisyon na ng PNP ang libu-libong baril. Gets n’yo mga kosa?

Pinuri ni Nartatez ang accomplishments ng PRO1, sabay sabing ang numero ay nagpapakita ng matibay na pagpapatupad ng batas at lumalakas na tiwala ng mamamayan. Binigyan-diin ni Nartatez na ang kampanya laban sa loose firearms ay magiging priority sa kanyang liderato bunga sa ang mga ito ay patuloy na naging seryosong banta sa seguridad ng mamamayan. “We will stay relentless,” ani 4-star general. “Kapag sama-sama ang pulis at mamamayan, mas nagiging epektibo ang laban kontra kriminalidad. This is how we build safer streets—one community at a time,” ayon kay Nartatez.

Teka, teka may ihahabol pa ang Dipuga! Ang Pangasinan ang topnotcher sa inilunsad na operation ng PRO1 at may pinakamaraming loose firearms na nakumpiska. ‘Yan ay bunga sa maagap na trabaho ng mga police units at ang malakas na pakikipagtulungan ng mga residente. Napansin ng mga kosa ko na hindi naman uusad ang kampanya ng PRO1 sa loose firearms kung wala ang crucial role ng komunidad, lalo na sa aspetong paghikayat sa pagsuko ng mga baril o kaya’y sa pag-safekeeping nito. Kanya-kanyang gimik lang talaga. Abangan!

FIREARMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with