^

Punto Mo

Panis na putahe ng pulitika nagkalat na

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

HABANG kumukulo pa ang usapin ng pagnanakaw ng mga kongresista sa pondo ng bayan hinuhulaan nang marami na sa paglipas ng panahon, mauuwi rin sa wala ang mga istorya ng nakaraan. Makalalayang muli ang mga kongresistang magnanakaw. 

Naglipana naman ngayon ang mga nagkakalat ng istorya ng katiwalian sa kanilang barangay na ang tinutumbok ay ang mga nakaupong barangay official. 

Usung-uso ngayon ang pamimigay ng mga performance recognition awards sa mga barangay officials. Mula sa mga provincial, municipal at city administrations na tiyempo namang busog na busog sa mga balita ng katiwalian. Hinggil sa ayudang Tulong Panghanapbuhay sa Displaced (TUPAD) workers sa inisyatiba ng Department of Labor and Employment. 

Kamag-anak, kaalyado at hakot-lipat barangay diumano ang karamihan sa mga nabibiyayaan ng TUPAD na hindi naman talaga naghihirap. Hmmm masama ‘yan!

Mind conditioning daw naman para sa mga? botanteng walang kamalayan sa mga ginagawang kalokohan ng barangay officials ang mga nasabing awards? Baka naaabutan naman kahit konti. He-he!

Malaking suportang popularidad talaga para sa mga kaalyado nilang nakaupong barangay officials na tatakbong muli sa November 2026 barangay election ang mga nasabing awards.

Isang matibay na political machinery naman ng mga ninong at ninang nilang incumbent officials ang ganito para sa pagtakbo nila sa 2028 local election. Wala namang masama kung totoong kapuri-puri ang naging performances. Sana nga!

Namumuhan na nang husto ang iba’t ibang political parties para sa 2028 national at local elections gamit ang social media. Karamihan ay nagbabalita nang walang matibay na basehan para makapanira ng kalaban.

Walang itulak kabigin sa mga diskarte ng mga alibughang personero ng magkabilang panig. Dapat na magsuri ang mamamayan ng mga balitang hatid ng mga pulpol na mensahero.

Mag-ingat para hindi mabudol.

POLITIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with