^

Punto Mo

Flocerfida (278)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MATAPOS ang pakikipag-usap kay Malou ay natigilan si Kikoy. Hindi niya malaman ang gagawin. Tiyak na tatawagan siya ni Malou. Baka maya-maya lang ay magri-ring na ang kanyang phone.

Nagpasya si Kikoy: ini-off niya ang cell phone. Iyon lang ang tanging paraan hindi sila magkausap.

Pero lagi bang ganun ang gagawin niya—papatayin ang CP para hindi sila magkausap?

Huwag na kaya siyang mag-cell phone para hindi na makausap si Malou. Kahit naman walang cell phone ay mabubuhay siya. Isa pa, hindi na naman siya nagwo-work kaya okey lang na walang cell phone.

Bumangon si Kikoy at lumabas ng kuwarto. Bigla siyang nauhaw. Dahil siguro sa mga sinabi ni Malou.

Pagkatapos uminom ay nagbalik siya sa kuwarto at nahiga.

Pero hindi siya dalawin ng antok.

Si Malou ang iniisip niya. Naalala niya ang mga sinabi kanina ni Malou. Hubad na raw ito habang nakahiga. Totoo kaya iyon o  tinatakaw siya. Mukhang sanay na sa pakikipag-sex phone si Malou. Kabisado ang mga sasabihin para mag-init ang kausap.

Pero sa totoo lang, naantig siya kanina. Nagliyab ang katawan niya. (Itutuloy)

 

CELLPHONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with