^

Punto Mo

‘Muning’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI umaalis ang pusa sa gate. Talaga yatang binabantayan ang pagdating ko. Hindi ko pinansin ang pusa kahit nakatingin sa akin.

Binuksan ko ang gate at agad na sinara para hindi makapasok. Pero sa tingin ko naman ay walang balak pumasok ang pusa. Nanatiling nasa may gate at titingin-tingin lang sa akin.

Nang tumagal, nakaramdam ako ng awa sa pusa at binigyan ng pagkain—kanin na may laman ng manok. Binigyan ko rin ng malinis na tubig sa plastic tray.

Agad inubos ang pagkain. Gutom na gutom palagay ko.

Mula nang bigyan ko ng pagkain, ay hindi na umalis ang pusa sa gate. Kaya regular ko nang binibigyan ng pagkain.

Pero hindi ko siya pinapapasok sa loob ng bakuran.

Baka mamihasa at magsama pa ng ibang pusa. Baka dun na rin tumae. Ayaw na ayaw ko pa naman ng amoy tae ng pusa.

Dahil regular kong pinakakain ang pusa, bumili na ako ng catfood.

Itutuloy

PLASTIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with