^

Punto Mo

Simple habits, malaking epekto sa katawan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Ang kalusugan ay hindi lamang nasusukat sa pag-inom ng gamot o pag-iwas sa sakit. Ayon sa mga pag-aaral, ang tamang nutrisyon, maayos na pang-araw-araw na gawi, at positibong kapaligiran ay may malaking papel sa pangmatagalang lakas ng katawan at kalinawan ng isip.

Pagkain na mahalaga sa kalusugan ng buhok

Ang buhok ay repleksyon ng ating nutrisyon. Kapag sapat ang sustansyang pumapasok sa katawan, mas tumitibay at gumaganda ang tubo ng buhok.

Itlog (1 piraso araw-araw) – Mayaman sa protina at biotin na mahalaga sa tibay ng hibla ng buhok.

Carrots (1 piraso araw-araw) – Mataas sa beta-carotene na tumutulong upang manatiling moist ang anit.

Chia seeds (1 kutsara araw-araw) – Pinagmumulan ng omega-3 fatty acids na nagpapakintab at nagpapalakas ng buhok.

Bell pepper /citrus fruits – Mayaman sa vitamin C na tumutulong sa collagen production na kailangan sa hair strength.

Blueberries at strawberries (1 cup araw-araw) – Nagbibigay ng antioxidants na mahalaga sa collagen synthesis.

Buto ng kalabasa (2 kutsara araw-araw) – Mataas sa zinc na sumusuporta sa mas mabilis na pagtubo ng buhok.

Kahalagahan ng balanse sa pagkain

Hindi sapat na umasa lang sa isang uri ng pagkain lamang. Ang katawan ng tao ay nangangailangan ng nutrient-dense at bioavailable foods tulad ng itlog, gatas, at karne, kasama ng gulay at prutas. Ang sobrang paghihigpit sa diet, tulad ng pagtanggal ng lahat ng pagkaing hayop, ay maaaring magdulot ng kakulangan sa mahahalagang sustansiya na kailangan ng katawan upang manatiling malakas at gumana nang maayos.

Ang pag-inom ng tubig sa umaga

Unahin ang pag-inom ng maligamgam na tubig paggising dahil tumutulong ito sa hydration at maayos na paggana ng digestive system.

Pag-antala ng pag-inom ng kape ng 1 o 2 oras ay nagbibigay-daan sa katawan na magising nang natural at maiwasan ang biglaang pagtaas ng stress hormones.

Kalusugan ng isipan at nervous system

• Ang pakikisalamuha sa mabubuting tao ay napatunayang nakababawas ng stress at nagpapalakas ng mental resilience.

• Ang pagbabasa sa gabi imbes na panonood ng TV ay tumutulong sa utak para mas mabilis antukin.

• Ang paglalakad nang nakayapak (earthing) ay iniuugnay sa pagpapakalma ng nervous system at pagbawas ng pamamaga sa katawan.

Pangwakas

Ang tunay na kalusugan ay bunga ng mga simpleng gawi na inuulit araw-araw. Kapag inalagaan ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, maayos na pahinga, at positibong kapaligiran, natural na susunod ang lakas, sigla, at malinaw na pag-iisip.

KALUSUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with