^

Punto Mo

Lapis (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANGUNGLEKTA ako ng iba’t ibang klase ng lapis. Kapag nag-a-abroad kami ng pamilya, kinukolekta ko ang lapis na ibinibigay sa hotel. Bukod dun bumibili rin ako ng lapis sa bawat bansa na aming nararating. Matagal na akong nangungulekta ng lapis na nagsimula pa noong ako ay magtapos sa kolehiyo. Kahit anong klase ng lapis ay kinokolekta ko. Kahit pudpod na ang tasa at wala nang pambura ay kinukolekta ko. Nasisiyahan ako kapag nakakakolekta ng lapis.

Sabi ng dalawa kong anak kapag nasa abroad kami, tiyak daw na lapis na naman ang hahanapin ko. Kaya alam na nila ang gagawin.

“Mommy, maganda ang mga lapis na nakita ko sa Don Quixote kaya ibinili kita nang marami,’’ sabi ng panganay kong anak.

“Thanks, anak.”

Ang bunso kong anak ay ganundin ang ginagawa. Kabisado na nila ang gagawin kapag nakakita ng lapis.

Ang mister ko, alam na rin ang gagawin.

Kung bakit ganun na lamang ang pagkahumaling ko sa lapis ay aking ikukuwento. Nangyari ito noong nasa high school pa ako. Ginabi ako ng uwi noon.

(Itutuloy)

LAPIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with