^

Punto Mo

Ang ‘bulong’ ng tigre

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Nagkukuwentuhan sa isang parke na malapit sa zoo ang magkaibigang Caloy at Mario. Sa gitna ng pagkukuwentuhan, narinig ni Caloy ang ungol ng tigre na papalapit sa kanila. Nagmamadali siyang umakyat sa puno na nasa tabi ng kinauupuan nila. Nagtaka si Mario kung bakit biglang nagtatakbo ang kanyang kaibigan. Nang lumingon, nakita niya ang paparating na tigre. Iyon ang dahilan kaya mabilis na umakyat sa puno si Caloy. Mahina kasi ang kanyang pandinig kaya hindi niya narinig ang ungol ng tigre.

Naisip ni Mario na magpatay-patayan na lang siya dahil wala nang oras upang tumakbo. Baka kung tumakbo siya ay lalo lang manggigil ang tigre na patayin siya. Kung siya ay hihiga at magpapatay-patayan, may pag-asang hindi siya mapansin dahil marami pa namang tao sa parke ang puwedeng habulin ng tigre.

Gaya ng dapat asahan, nagkaripasan nang takbo ang lahat ng tao sa parke kaya walang inabutang tao ang tigre maliban lang kay Mario. Inamuy-amoy siya ng tigre. Tinitigan. Para bang tinitiyak kung ang nakahandusay na tao ay totoong patay na. Choosy ang mga tigre at never silang kumain ng bangkay.

Maya-maya, umalis ang tigre na hindi ginalaw si Mario. Ang lahat ng pangyayari ay nakita ni Caloy habang nasa itaas ng puno. Nang bumaba siya sa puno ay tinanong niya si Mario.

“Ano ang ibinulong sa iyo ng tigre habang ikaw ay nakahandusay?”

Akala pala ni Caloy, bumubulong ang tigre kay Mario nang inaamoy ito. Napangisi si Mario. Pagkakataon na para isampal sa kaibigan ang masama nitong ugali na basta na lang nang-iwan sa gitna ng panganib.

“Pinayuhan ako ng tigre na layuan ko na raw ang mga kaibigang nang-iiwan na lang basta-basta sa gitna ng krisis. Wala raw kuwenta ang mga ganoong tao.”

DIKLAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with