^

Punto Mo

‘Kuwitis’ (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

GAMIT ang isang dipang sanga ng madre cacao na may baga sa dulo, isa-isa kong sinindihan ang mga nakasabit na kuwitis. Dalawang minuto na lamang ang nalalabi bago mag-alas dose,

Dahil tuyung-tuyo ang mitsa ng mga kuwitis, madaling nagsindi at sunud-sunod ang pagsirit ng mga ito at saka pumuputok nang malakas.

Tuwang-tuwa ako na ipinagpatuloy ang pagsisindi. Walang nagmimintis sa mga kuwitis. Mabilis na sumisibad pataas at saka puputok.

Mabilis kong nasindihan ang 50 kuwitis sa loob ng isang minuto.

Ipinagpatuloy ko ang pagsindi sa mga kuwitis. Kailangang masindihan ko ang nalalabing 50 kuwitis bago mag-alas dose.

Enjoy na enjoy ako sa pagsisindi. Walang nagmimintis.

Mabilis kong nasindihan ang 25 kuwitis. Tatlumpung segundo na lamang ang nalalabi bago mag-alas dose.

Nang matatapos ko nang sindihan ang 25 kuwitis na nalalabi, biglang umihip ang malakas na hangin at ang mga kuwitis ay tumagilid.

Tinumbok ang aming lumang bodega sa di-kalayuan. Yari sa kawayan ang bodega at kugon ang bubong.

Dahil ang mga kuwitis ay doon lahat nakatutok makaraang tumagilid sa pagkakasabit, agad nagliyab ang bodega. Parang hinagisan ng granada.

(Itutuloy)

FIREWORKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with