‘Karoling’ (Part 4)
PINILIT kapain ni Maxie ang bulsa ng aking short na kinalalagyan ng mga barya na kinita ko sa pangangaroling. Gusto niyang matiyak kung marami akong kinita.
Tinabig ko ang kanyang kamay. Malakas!
“Aba matapang ka na ha?” sabi ni Maxie na nasaktan sa pagtabig ko.
Bigla akong itinulak! Napaupo ako sa damuhan.
Nagtawanan ang mga kasama ni Maxie. Ginatungan si Maxie. Gusto nilang magsuntukan kami ni Maxie.
Bigla akong tumayo at sinugod si Maxie. Sinuntok ko sa mukha ng dalawang beses. Sa lakas nang pagkakasuntok ko ay tumihaya ito.
Pero lalo lamang naging agresibo si Maxie na nanlisik ang mga mata na bumangon para gumanti.
Pero hindi na niya nagawa iyon sapagkat may mga barangay tanod na nakakita sa amin at inawat si Maxie.
Pinagsabihan kami ng mga barangay tanod na umuwi na at huwag nang uulitin ang pag-aaway.
Pero sa matalim na tingin sa akin ni Maxie, alam kong gaganti siya. (Itutuloy)
- Latest















