‘Silip’ (Part 18)
KINABUKASAN, sabay uli kaming pumasok ni Mira. Alas otso ng umaga ang aming klase. Eksaktong alas siyete kami umalis sa boarding house.
Habang naglalakad, may sinabi si Mira.
“Alam mo Junior, wala na akong nararamdaman na may naninilip sa banyo. Siguro nga ay imagination ko lamang ang naramdaman noong nakaraang maligo ako.”
“Oo?magination mo lang yun, Mira.”
“Kaninang madaling araw nang maligo ako, wala na akong naramdaman.”
“Ang aga mo namang maligo, Mira. Tulog pa lahat ang mga kasama mo.”
“Matagal kasi akong maligo, Junior. Marami pa akong seremonyas.”
“Ganun ba?”
“Kapag hindi ko inagahan ng paliligo ay baka magkaroon ng pila. Lahat kaming boarders ay naliligo.”
“Sabagay.”
“Mamayang uwian, sabay uli tayo, Junior.”
“Oo, Mira.”
MULA nang magkalapit kami ni Mira, lubusan ko nang nakontrol ang paninilip. Hindi ko na magawang silipan si Mira dahil nakukonsensiya ako. Isa pa, napakabait ni Mira.
Minsan na naglalakad kami pauwi, may sinabi ako.
“Mira may ipagtatapat ako sa’yo…”
“Alam ko na yan, Junior!”
(Itutuloy)
- Latest




















