‘Silip’ (Part 16)
NANG puntahan ko si Mira sa waiting shed sa harap ng kanilang college building ay naroon na siya at naghihintay.
“Kanina ka pa Mira?” tanong ko.
“Ngayun-ngayon lang?ga two minutes siguro.”
“A akala ko, kanina ka pa.”
“Hindi.”
“Magmeryenda tayo sa canteen. Nagugutom na ako. Ililibre kita.”
“Sige nagugutom na nga rin ako. Pero KKB tayo. Pareho lang tayong estudyante na umaasa sa magulang.”
“Sige.”
Nagtungo kami sa malaking canteen ng unibersidad. Waffle hot dog ang inorder ko at isang buko shake. Si Mira ay chicken sandwich at mango shake.
Habang kumakain ay nagkukuwentuhan kami.
Taga-Laguna raw siya at dalawa silang magkapatid. Ang tatay daw niya ay secretary sa munisipyo at teacher naman ang nanay.
Sinabi ko naman na magsasaka ang aking tatay at ang nanay ko ay sa bahay lamang. Tatlo kaming magkapatid at ako ang panganay.
Nang matapos kaming kumain, naglakad na kami pauwi sa boarding house. Fifteen minutes walk lang ang tirahan.
Habang naglalakad nagulat ako sa sinabi ni Mira.
“Alam mo Junior, sa banyo na aming ginagamit paki?amdam ko ay may naninilip. Ewan ko kung imagination? ko lang yun.”
(Itutuloy)
- Latest















