‘Silip’ (Part 11)
ISANG linggo kong nilabanan na huwag sumilip sa banyo dahil ipinangako ko sa sarili na iiwasan na ang ganung gawain. Sinabi ko sa sarili na tama na ang isang pagkakamali at huwag nang dagdagan pa. Naalala ko ang nangyari sa akin noon na nahulog sa punong mangga dahil sa paninilip sa magandang dalaga na taga-Maynila.
Pero talagang malakas ang tawag ng tukso. Kahit pilit kong nilabanan na huwag sumilip sa banyo, hindi ko nagawa. Talagang nahikayat akong sumilip.
Umaga noon, 5:00, habang nakahiga ako ay bigla akong nakarinig ng mahinang daing mula sa banyo. Alam kong may naliligo na dahil ang mga estudyanteng boarder ay 7:00 ng umaga ang klase. Kabisado ko ang oras dahil gising na ako pero nananatili pa rin sa kama.
Hindi pangkaraniwan ang daing na aking narinig sapagkat hindi iyon daing na nasasaktan kundi daing na “nasisiyahan”.
Hanggang sa tumuntong ako sa silyang upuan para silipin ang nangyayari sa banyo. Ang partisyon ng banyo at kuwarto ko ay may bahagyang awang sa itaas kaya maaring silipin ang nangyayari.
Nang sumilip ako sa banyo, shock ako sa nakita!
Kaya pala may dumadaing!
(Itutuloy)
- Latest
















