^

Punto Mo

‘Silip’ (Part 9)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

SA Maynila ako nagkolehiyo. Tumira ako sa bahay ng aking tiyahin sa Miguelin St. Sampaloc. Malaki ang bahay ng aking Tiya Auring, kapatid na bunso ni Tatay. Hanggang second floor ang bahay ni Tiya Auring. Ang anim na kuwarto sa second floor ay pinaupahan niya sa mga babaing estudyante. Sabi ni Tiya, ayaw na niyang magpatira ng lala?ing estudyante dahil nagkakaroon ng gulo. May tumira raw sa kanyang mga lalaking estudyante na nag-iinuman sa kuwarto at mayroon din daw humihithit ng marijuana. Mula noon, hindi na siya tumanggap ng boarder na lalaki. Pawang babae na. Mas kakaunti ang problema kapag babae ang boarder.

Ang kuwarto ko ay malapit sa kitchen at banyo. Sabi ni Tiya Auring, pagtiyagaan ko na raw ang kuwartong iyon. Hindi raw ako puwede sa second floor dahil nga mga babae ang umu?pa roon.

“Okey lang Tiya. Huwag kang mag-alala sa akin,” sabi ko.

“Diyan kasi sa ku?arto mo e naaamoy ang niluluto dahil katabi ng kitchen.”

“Okey lang po.”

“Nahihiya rin kasi ako kay Tatay mo. Baka sabihin e itinapon kita sa mabahong kuwarto.”

“Naku hindi Tiya. Okey lang itong kuwarto sa akin.”

“Sige Junior.”

Pero lingid kay Tiya, gusto ko talaga sa kuwartong iyon dahil katabi ng banyo. Doon naliligo ang magagandang boarders. (Itutuloy)

SILIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with