‘Silip’ (Part 5)
ISANG langgam na kulay pula na ang tawag sa amin ay ligha ang pumasok sa aking shorts—nagdaan sa singit at tinarget ang aking “balls”.
Dahil sa sakit at pagkagulat, nakabitaw ako sa pagkakahawak sa sanga ng mangga at nahulog ako.
Masama ang aking pagkakabagsak sapagkat naitukod ko ang kanang braso. Sa lakas ng impact nabaluktot ang aking braso. Nawalan ng pakiramdam at lumaylay.
Nung una ay hindi ako makapagsalita sa sobrang pagka-shock sa pagbagsak. Mabuti at hindi ako nawalan ng malay. Pinilit kong kumilos pero hindi ko magawa. Walang lakas ang aking kanang braso. Ang kaliwang braso ay halos ganundin.
Nasa ganun akong sitwasyon nang dumating ang aking kapatid na lalaki.
“Anong nangyari Kuya?”
Hindi ako makapagsalita pero isinenyas kong nahulog ako.
“Tulungan n’yo ako! Si Kuya, nahulog sa punong mangga!”
Dumating si Tatay at Nanay.
(Itutuloy)
- Latest
















