‘Kabayo’
(Part 10)
MAHABA ang aking tulog. At napakasarap ng aking pagkakatulog. Akala ko ay gabi na tuluy-tuloy. Tinalo pa ang pagtulog ko sa aking kuwarto. Tamang-tama ang lamig sa lugar. Siguro ay dahil sa makapal na puno ng mga balete na halos walang naglalagos na sikat ng araw.
Nagising lamang ako nang may bumagsak na malamig sa aking mukha—parang yelo na kasinglaki ng holen.
Bigla akong naalimpungatan.
Naupo ako.
Ang una kong hinanap ay si Blackie. Natulog ako malapit sa kaliwang paa niya sa hulihan.
Pero wala si Blackie!
Lumingon ako sa paligid.
Wala!
Nasaan na si Blackie? Iniwan ako? Umuwi na sa bahay dahil nakitang natutulog ako?
Tumayo ako. Naglakad palabas sa hanay ng mga malalaking balete.
Pagod na pagod ako nang makarating sa bahay. Sinalubong ako nina Lolo Pedro at Lola Nita. Alalang-alala sila.
(Itutuloy)
- Latest
















