^

Punto Mo

‘Kabayo’ (Part 9)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI ko alam kung guniguni lamang ang nakita kong mata mula sa mga malalaking puno ng balete. Sa tingin ko, nagbabaga ang mga mata.

Ang ipinagtataka ko, hindi nararamdaman ni Blackie ang mga kakatwang nakikita ko sa mga puno. Relaks lang si Blackie at hindi katulad nung nakaraan na dumaan kami rito na nakatindig ang kanyang mga taynga na parang may kinatatakutan.

Isa pang pinagtataka ko kay Blackie ay ayaw nitong gumalaw kahit na ilang beses ko nang hinigit ang renta. Parang ipinako si Blackie sa kinatatayuan.

Dahil ayaw niyang kumilos, bumaba ako at balak hilahin na lamang siya palabas sa lugar na iyon. Gusto ko na ring umalis.

Pero kahit anong hila ko, ayaw niyang kumilos. Nakatingin lang sa akin.

Isa pang napansin ko, nawala ang puting marka niya sa noo. Sa pagkatanda ko, may spot na puti siya sa noo. O baka nagkakamali lang ako. Nalilito ako.

Dahil ayaw kumilos ni Blackie, ipinasya kong maupo sa may paa ni Blackie. Pag-upo, bigla akong inantok at nakatulog.

(Itutuloy)

KABAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with